2/366 something that’s illegal but you think it should be legal?
bigla akong napaisip sa tanong na ito.. hnn ano nga ba ang bawal na dapat ay gawing legal na..
well base sa aking pinagdaanan, sana maging legal na ang divorce. mahirap kasi ang lumalaki ng nakikita mong unti unti nasisira ang pamilyang inaakala mo eh masaya. Hindi pala porket may uwi sa akin ang magulang ko tuwing pag uwi nila- mapa dinosaur na stamp kit man yun o plantsa-plantsahan with matching iron board pa siya..na nanood kayo ng tv sama sama at natututlog ka na nakapagitna sa kama ng mga magulang mo.. hindi pala iyon sapat para masabi mo masaya ang buong pamilya..
sana naging legal na lang ang divorce.. para hindi ko maranasan yung mapahiya sa harap ng mga classmates ko dahil isinigaw ng isang classmate ko na hiwalay na ang nanay at tatay ko..
kung may divorce..hindi ko makikitang nagtataksil sila sa isat isa at ginugumo ang kanilang sarili sa makamundong pagnanasa.
kung may divorce.. mattanggap ko ng mas maluwag sa kalooban ko na maghihiwalay sila kasi wala ng love…
kung sana legal na siya dati pa…
edi sana…
mas maganda ang buhay ko….