thinking out loud

so please don't judge me

Notes

internet: aksaya ba sa oras o hindi?

“pamela tigilan mo na nga yang pag i-internet mo, nag aaksaya ka lang ng oras mo at ng kuryente sa mga walang kawawaang mga yan”

^yan ang sabi ng nanay ko kahapon. ewan ko kung bakit nya sinabi pero napatingin lang ako sa kanya. Kasi hindi naman ako nag iinternet ng time na yun dahil trip ko lang. Gising ako at nasa harap ako ng computer dahil nag hahanap ako ng idea para sa demo teaching ko para next week.

napaisip tuloy ako. Ang ibang tao pala tingin sa pag iinternet o pag bababad sa computer ay pagsasayang ng panahon at oras. Sabagay may punto sila. Sa kabataan ngayon na walang ibang alam kundi mag facebook,youtube at twitter.. nakakalimot na sila sa mga bagay na dapat binibigyang importansya tulad ng pag aaral at pakikipag bonding sa kanilang pamilya.

pero sa opinion ko, ang palagiang pag gamit ng internet ay naka depende sa taong gumagamit. Kung ito naman ay para sa trabaho mo, o gusto mo mag relax pagkatapos ng stressful week mo sa office o gusto mo makipag usap sa kamag anak mo sa ibang bansa. wala naman sigurong masama rito hindi ba?

nasa tamang pag gamit at moderation lang siguro. Sabi nga nila, masama ang sobra..masama rin ang kulang.

Filed under internet wala lang ideas pammieomana